MALUGOD na tinanggap ni Philippine Air Force vice commander Major General Ramon Guiang ang pagbisita ng dalawang Australian Defense Attache sa Villamor Air Base sa Pasay City.
Ito ay kasunod ng exit call ni outgoing Australian Defense attache Colonel Paul Barta.
Habang nag-entrance call naman si incoming Australian Defense attache Captain Emma McDonald-Kerr.
Pinasalamatan ni Guiang si Barta sa mahusay na pagseserbisyo sa bansa matapos itong gawaran ng CSAFP Commendation Medal ni AFP chief of staff General Romeo Brawner Jr.
Muli ring pinagtibay ng mga opisyal ang pagtutulungan ng Australia at Pilipinas lalo na sa pagtataguyod ng malaya at bukas na Indo-Pacific region.