NANANATILING magaling sa larangan ng boxing ang Pinoy na si Jonas Sultan sa kabila ng mahigit isang taong pagpapahinga mula sa paglalaro.
Sa naging laban niya noong Setyembre 6, tinalo ni Sultan ang katunggali nitong si Frank Gonzalez ng Estados Unidos sa pamamagitan ng unanimous decision.
Noong Abril 2022 ang huling laro ni Sultan.
Kalaban niya dito si Paul Butler para sa WBO title subalit sa kasamaang palad ay natalo ito ng English boxer.