Jordan Clarkson, 18 araw lang ang paghahanda para sa FIBA World Cup

Jordan Clarkson, 18 araw lang ang paghahanda para sa FIBA World Cup

KINUMPIRMA ni Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes na mayroon na lamang 18 araw si Jordan Clarkson upang maghanda kasama ang Gilas Pilipinas para sa gaganaping FIBA World Cup.

Ayon kay Coach Reyes, hindi makasasali si Jordan Clarkson sa mga unang araw ng World Cup at inaasahang hahabol ito sa laro ng Gilas kontra China.

Dagdag pa ni Reyes, mas mahirap aniya ang paghahanda ngayon ng Gilas Pilipinas kumpara sa paghahanda nito noong taong 2014.

Ang FIBA World Cup ay magsisimula sa darating na Agosto 25 na lalahukan ng 32 bansa.

Ang torneo na tatakbo mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10, ay gaganapin sa Pilipinas, Japan, at Indonesia.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter