Judge na nangikil sa mga sangkot sa hawak niyang kaso, sinibak sa serbisyo

Judge na nangikil sa mga sangkot sa hawak niyang kaso, sinibak sa serbisyo

TINANGGAL na ng Korte Suprema sa serbisyo si Judge Edralin Reyes na acting presiding judge ng Regional Trial Court Branch 43, ng Roxas City, Oriental Mindoro at acting presiding judge ng RTC Branch 39.

Sa Per Curiam decision ng Supreme Court en banc ay napatunayan na kinikikilan o nanghihingi ng pera si Judge Reyes sa mga abogado at mga litigant sa kaniyang sala kasama na rin ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan kaya guilty aniya ang naturang hukom sa gross misconduct.

Natuklasan ang pangingikil ni Judge Reyes nang ilipat kay Judge Josephine Carranzo na naitalagang Judge ng RTC Branch 39, ang laptop na naka-assign kay Judge Reyes.

Nakita sa laptop ang madalas na pakikipag-usap ng hukom kina Atty. Eduardo Magsino, Atty. Marlo Masangkay, Atty. Lysander Lascano Fetizanan, at Mayor Joselito Malabanan ang paghingi ng salapi kapalit ang paborableng desisyon.

Bukod sa pagkatanggal sa serbisyo ay kinansela na ng Korte Suprema ang retirement benefits ni Judge Reyes, pinagbawalan na rin na magtrabaho sa anumang sangay at mga ahensiya ng gobyerno gayundin sa mga korporasyong pag-aari ng pamahalaan o mga GOCCs.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble