IDINEKLARA na bilang National Disability Rights Week ng bansa ang Hulyo 17 hanggang 23 ng bawat taon.
Batay ito sa Proclamation No. 597 na nilagdaan ni Executive Sec. Lucas Bersamin noong Hunyo 13.
Ang hakbang ay bilang pakikiisa sa pagtataguyod ng karapatan at kalayaan ng mga Pilipinong may kapansanan.
Alinsunod rin ito sa napagkasunduan sa United Nations Convention on the Rights of Persons with Disabilities (UNCRPD).
Samantala, sa ilalim ng proklamasyon, inaatasan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng National Council on Disability Affairs na pangunahan ang National Disability Rights Week.