July 17, idineklara bilang National Cardiopulmonary Resuscitation Day

July 17, idineklara bilang National Cardiopulmonary Resuscitation Day

IDINEKLARA ng Malakanyang ang July 17 ng kada taon bilang ‘National Cardiopulmonary Resuscitation Day’.

Layon nitong maisulong ang kamalayan ng bawat Pilipino sa kalusugan.

Sa ilalim ng Proclamation 511, pangungunahan ng Department of Health (DOH) ang pagpaplano, paghahanda, koordinasyon, organisasyon, pagpapatupad, pagmo-monitor at ebalwasyon ng mga inisyatibo at programa kaugnay sa taunang pagdiriwang na ito.

Kabilang sa tinutukoy ng naturang proklamasyon ang kahalagahan ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) bilang isang teknik na nakakaligtas ng buhay na nagagamit sa napakaraming emergency.

Partikular dito ang atake sa puso o pagkalunod kung saan humihinto ang tibok ng puso ng isang tao.

Nilagdaan ng Pangulo ng Pilipinas ang proklamasyon noong Marso 27, 2024.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter