PINASASALAMATAN ni “Ka-Eric” Celiz, nominee ng EPANAW Sambayanan Party-list ang oportunidad, pagkilala, at pagrespeto na ibinigay sa kanila ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
“Walang ‘Ka Eric’ at pagtitipon ng boses ng mga dating rebelde at mga kadre kung hindi kami binigyan ng oportunidad, pagkilala at pagrespeto ni Pastor Quiboloy at ang SMNI sa panahon na nagaalangan ang lahat na banggain ang numero uno nagwawasak ng ating bayan sa higit po 50 taon, ang CPP-NPA-NDF,” ayon kay Jeffrey “Ka-Eric” Celiz, Nominee, EPANAW Sambayanan Party-list.