Ka-Eric may buwelta sa House Tri-Comm sa pagdinig ukol sa fake news at misinformation

Ka-Eric may buwelta sa House Tri-Comm sa pagdinig ukol sa fake news at misinformation

PINUNA ni Epanaw Sambayanan nominee Jeffrey “Ka Eric” Celiz ang aniya’y kakulangan ng pang-unawa ng Kongreso, partikular na ng mga miyembro ng House Tri-Comm, sa mga probisyong nakasaad sa Konstitusyon na naggagarantiya ng kalayaan sa pamamahayag, malayang pananalita, at press freedom.

Ayon kay Celiz, tila lantaran at sistematikong nilalabag ng Kongreso ang sagradong mga probisyon ng Konstitusyon kaugnay ng karapatang pantao, lalo na ang free speech, press freedom, at freedom of expression.

“Malinaw that they do not understand the basic elements of the Constitution, lalo na ang Bill of Rights, so wala po silang karapatan na makialam o pakialam o supilin ang alinman sa karapatang nakasaad na ginagarantiya at pinoproteksyunan ng Saligang Batas,” saad ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz, Nominee, Epanaw Sambayanan.

Dagdag pa ni Celiz, bilang mga lingkod-bayan, dapat ay hindi sila maging balat-sibuyas sa mga pagpuna at kritisismo mula sa mamamayan.

“The public official should not be onion-skinned, they should be open to public scrutiny and public criticism. At kung meron mang nasasaktan o naagrabyado sa kanilang damdamin o sa tingin nila ay nagmalabis ang komentaryo ng mamamayan o ng publiko, ang kanilang kasagutan d’yan ay ang kanilang malinis na konsensya at ang kanilang malinis na gawa,” dagdag ni Celiz.

Samantala, nababahala naman si Celiz sa naturang pagdinig sa Kongreso, na aniya’y nagiging isang instrumento ng state suppression.

“There appears to be a silent tolerance and acceptance of the weaponization of the House of Representatives as an instrument of the de facto martial law. Na nakakatakot na ‘yan at hindi pwedeng mapuna. At nararapat lamang na panindigan at ‘yan ay lalabanan ng mamamayan—hindi lamang ng mga social media commentators kagaya namin,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble