Ka Leody, nais gawing economic zone ang West Philippine Sea

Ka Leody, nais gawing economic zone ang West Philippine Sea

NAIS ni presidential candidate Leody ‘Ka Leody’ de Guzman na gawing isang economic zone ang West Philippine Sea.

“Ang aking programa ay i-convert itong West Philippine Sea into an economic zone at hindi war zone. Kaya dapat dito ay mag-coordinate ‘yung lahat ng mga claimants sa mga teritority dito sa South China Sea o WPS na magkasundo at magsama-sama, hindi para makipag-giyera sa China kundi dapat ipakita sa China ‘yung pagkakaisa ng mga bansang ito,” pahayag ni Ka Leody.

Nais din niyang obligahin o kausapin ang lahat ng signatory upang piliting igalang at irespeto ng China ang UNCLOS nang sa ganoon ay matigil ang pangha-harrass ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Matatandaang tinakda ng tribunal na walang basehan ang China at ang “Nine Dash Line” nito.

Sinasaad din sa tribunal na nilabang ng Beijing ang karapatan ng Pilipinas na mangisda at saliksikin ang WPS.

Si Ka Leody ay isang labor leader na dating miyembro ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at kasalukuyang tumatakbo sa ilalim ng Partido Lakas ng Masa (PLM).

Samantala, hustisya para sa lahat Ka Leody sa presidential debate ng SMNI.

Aniya, titigil ang pag-aalsa at pagrerebelde kung ang lahat ay magkakaroon ng hustisya at opurtinidad.

Dagdag pa ni Ka Leody, hindi na kailangan pa ng peace talks oras na maibigay sa mga nag-aalsa ang kanilang mga kahilingan.

Bukod pa rito, sinabi ni Ka Leody na hindi maituturing na terorista ang mga Communist Party of the Philippines-New People’s Army.

Aniya, ito ay mga rebolusyonaryo na naghahangad ng pagbabago sa bansa.

Suportado naman ni Ka Leody ang pagpapatuloy ng peace talks ng gobyerno sa CPP-NPA-NDF.

Aniya, kung papalarin siyang manalo ibibigay niya ang mabubuting hiling ng NPA at hihikayatin niya ang mga ito na itigil na ang pakikipag-laban.

Bukod pa rito, pabor din si Ka Leody na gawing ligal ang divorce sa bansa at alisin na ang parusa sa abortion.

Aniya, maraming maliligtas na babae mula sa kamatayan kung aalisin na ang parusa sa abortion.

Paliwanag ni De Guzman, hindi naman ibig-sabihin na hihikayatin ng gobyerno ang abortion kundi babawasan lamang ang peligro sa isang babae na ayaw nang ituloy ang kanyang pagbubuntis.

Follow SMNI News on Twitter