PATULOY na ipinagtatanggol ni Ka Peter Mutuc si Pastor Apollo C. Quiboloy sa Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa ika-anim na araw nito sa Liwasang Bonifacio, Maynila.
Muli niyang binalikan si Risa Hontiveros kung may moral ascendancy ba ang senadora sa kaniyang pagbababoy at pagpapahiya sa butihing Pastor. Kilala ba niya talaga si Pastor Apollo?
Paulit-ulit itong nananawagan kay Hontiveros na tigilan na ang ginagawa nitong pambabastos kay Pastor Apollo.
Diin ni Ka Peter, nakikiisa siya kay Pastor Apollo dahil sa matinding paninindigan nito para sa kapayapaan at labanan ang CPP-NPA-NDF.