Kaalyado ni Mayor Sara, nakikita na tatakbo itong Pangulo sa 2022 elections

Kaalyado ni Mayor Sara, nakikita na tatakbo itong Pangulo sa 2022 elections

NAKIKITA ni Albay 2nd District Joey Salceda na tatakbo bilang Pangulo ng bansa si Davao City Mayor Sara Duterte sa 2022 general elections.

Ikinabigla ng marami ang pag-atras kamakailan ni Mayor Sara Duterte sa pagtakbo ulit bilang alkalde ng Davao sa paparating na 2022 general elections.

Pero para sa isa sa mga malapit niyang kaibigan, ang pagkalas ng Mayora sa local elections ay hudyat na tatakbo na itong Pangulo.

Lalo na ngayon na nangyari ang pagkalas nito sa Davao race limang araw bago ang substitution deadline ngayong Nobyembre 15.

 “I can truly say that if it were mage, she would not file for president immediately except that there were ano nga, maraming dinaanan,” pahayag ni Salceda.

“I don’t think that she will file on the 15th, she will file before that.”

Sa posibilidad na mag bise-presidente, ani Salceda na non-negotiable raw ito batay sa naging usapan nila ni Mayor Sara.

 “That’s a non-option. There is a portion of this chat that says it’s not an option,” aniya pa.

Wala namang komento si Salceda sa posibilidad na magkaroon ng BBM-Sara tandem o bise ni dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos ang nakababatang Duterte.

Nauna nang sinabi ni Mayor Sara na hindi siya tatakbong Pangulo.

Pero paliwanag ni Salceda, nawala na raw ang mga balakid na pumipigil sa Mayora na sumali sa presidential race.

“Yun na nga sinabi ko sa inyo na that shows her unyielding firmness towards that purpose. So there were hurdles put on her way so she wanted to run on her own terms. So may mga conditionalities or whatsoever so ngayon na wala na yun I don’t think that ano. Simply because there were hurdles as to why she did not file on the first day or before the substitution period,” paliwanag ni Salceda.

Bago pa ang filing ng COC, naunang sinabi ni Salceda noong Mayo na 100% tatakbo bilang Pangulo si Mayor Sara.

Nilinaw naman nito na ang kanyang mga pahayag ay sarili niyang interpretasyon base sa kanilang mga naging pag-uusap.

Para naman sa Commission on Elections (Comelec), walang mangyayaring substitution kay Mayor Sara sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago.

“Not as HNP, not as HNP because that would not be the political party of whoever it is would be representing. And why is that? Because HNP is a regional party which means they are unable to file national candidates, right? If your HNP and you’re running for a national position you would be running as an independent which means wala siyang isa-substitute kung HNP siya, right?”  pahayag ni James Jimenez, spokesperson ng Comelec.

Nakikita naman ni Salceda na tatakbo si Sara sa ilalim ng LAKAS-CMD at hindi sa ruling party PDP-Laban.

“If she’s going to substitute, then she will have to join a political party that already has a candidate for whatever position that she wants to substitute,” ayon kay Jimenez.

Ayon naman sa LAKAS-CMD, may available silang presidential aspirant na pwedeng palitan ni Mayor Sara.

SMNI NEWS