MALAKI ang potensiyal ng pagkakaroon ng Kadiwa Centers sa buong bansa.
Ito ang sinabi ni Agri Party-list Rep. Wilbert Lee kung kaya’t patuloy nitong hinihikayat na gawin ng isang batas ang pagtatatag ng Kadiwa Centers.
Matatandaang sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na nasa 1.8 milyong pamilya ang nakinabang.
Nasa P700-M din ang naging benta ng mga magsasaka at kooperatiba.
Ang House Bill No. 3957 o Kadiwa Agri-Food Terminal ay inihain ni Lee noong Agosto 2022.
Sa kaniyang panukala, target na magkaroon ng nationwide agricultural at fisheries terminal sa buong bansa.
Katuwang dito ang Department of Agriculture (DA) at local government units.