Kadiwa on Wheels, dinagsa ng mga mamimili

Kadiwa on Wheels, dinagsa ng mga mamimili

NAUBOS lamang sa loob ng 45 minuto ang 20 sako ng bigas na inilagay sa Kadiwa on Wheels sa Makati City.

Magugunitang nagkakahalaga lang ng 25 pesos ang bawat kilo nito. Partikular na inilaan sa Brgy. Rizal ang katumbas sa isang libong kilo ng bigas na ito.

Sa Kadiwa on Wheels naman sa mandaluyong City ay dagsa ang mga mamimili.

Madalas sa mga ito ay pulang sibuyas ang pakay na lamang ng 170 pesos.

Sa kasalukuyan, kung hindi sa Kadiwa on Wheels mamimili ng sibuyas ay aabot na sa mahigit kumulang 700 pesos ang presyo nito sa pamilihan.

Follow SMNI NEWS in Twitter