Kagutuman, nakaambang hamon sa Gaza Strip—United Nations

Kagutuman, nakaambang hamon sa Gaza Strip—United Nations

KAGUTUMAN ang nakaambang hamon sa Gaza Strip ayon sa United Nations.

Kasunod ito sa pahirapang pamamahagi ng mga pagkain at unti-unting pagkaubos ng stocks dahil sa mga pag-atake ng Israel sa Rafah, isang lungsod sa katimogang bahagi ng Gaza.

Tinatayang nasa 600-K ang apektado sa mga pag-atake.

Kung iisipin, ang 600-K ay mga evacuee na mula sa ibang lugar sa Gaza.

Sinasabi ng Israel na layunin ng kanilang mga pag-atake sa Rafah ay para maubos na nila ang Hamas militant group ng Palestine.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble