Kahandaan ng East Ave. Medical Center-QC sa Bagong Taon, inalam ni DOH OIC Vergeire

Kahandaan ng East Ave. Medical Center-QC sa Bagong Taon, inalam ni DOH OIC Vergeire

BINISITA ni Department of Health OIC at Undersecretary Ma. Rosario Vergeire ang East Avenue Medical Center sa Quezon City, araw ng Huwebes.

Ito ay upang inspeksyunin at alamin ang kahandaan ng pagamutan sa pagtanggap ng mga pasyente ngayong Bagong Taon.

Gamit ang “chicken feet”, ipinakita ng ospital kay Vergeire kung paano ang maaaring gagawin sa mga mapuputukan sa kamay sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Samantala, nagpaalala rin si Vergeire sa mga makakakain o makakalunok ng paputok at pailaw na huwag nang mag-eksperimento at huwag painumin ng puting itlog at gawgaw ang pasyente sa halip dalhin agad ito sa pinakamalapit na pagamutan.

Sa ngayon ay isinailalim na sa ‘white alert’ o pinakamataas na alerto ang lahat ng pagamutan sa buong bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter