KAHON-kahon ng mga sigarilyo na may pekeng stamp ang nakumpiska sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Tondo, Maynila.
Ngayong umaga, pinangunahan ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang pagsalakay sa Asuncion St., Divisoria sa Maynila.
Sinabi ni Lumagui na pinalakas pa ng ahensya ang kampanya laban sa mga namemeke ng tax stamps dahil sa bilyun-bilyong pisong nawawala sa buwis.
Batay kay Lumagui, nasa P50-P100 bilyon ang nawawalang excise tax maliban pa sa ibang buwis dahil sa illicit cigarette trade.