Kahon-kahong relief goods, naihatid sa Visayas at Mindanao

Kahon-kahong relief goods, naihatid sa Visayas at Mindanao

NAKAPAGHATID ng 1,500 kahon ng relief goods sa Zamboanga City, Mactan, Cebu at Bacolod City.

Ito ay sa pamamagitan ng dalawang C-295 medium-lift aircraft ng 220th airlift wing ng Philippine Air Force, sa koordinasyon ng Office of the Vice President Disaster Operations Center (OVP-DOC).

Ayon kay Philippine Air Force spokesperson Colonel Ma. Consuelo Castillo, ang relief goods ay ilalagay sa satellite offices ng OVP-DOC para suportahan ang mga pamilya na naapektuhan ng iba’t ibang kalamidad.

Makikinabang sa nasabing relief efforts ang mga komunidad sa Zamboanga City na kasalukuyang binabaha dahil sa malakas na pag-ulan at mga biktima ng sunog sa Mandaue City, Cebu noong Nobyembre 2022.

Habang naglaan din ng relief goods sa Bacolod City bilang paghahanda sa posibleng kalamidad.

Tiniyak ng Philippine Air Force na patuloy silang magiging katuwang ng gobyerno sa pagbibigay ng kinakailangang tulong sa panahon ng kalamidad.

Follow SMNI NEWS in Twitter