Kai Sotto, inaming mas nahirapan sa laban kontra Angola

Kai Sotto, inaming mas nahirapan sa laban kontra Angola

INAMIN ng Gilas Pilipinas player na si Kai Sotto na mas nahirapan ito sa kanilang laban kontra Angola sa Group A ng 2023 FIBA World Cup.

Sa kabila ito ng nakuhang 8 points, 5 rebounds at 3 block ni Sotto.

Ito ay dahil aniya sa lakas na taglay ng Angolans.

Matatandaan na tinalo ng Angola ang Gilas sa iskor na 80-70.

Samantala, ang laban ng Gilas kontra South Sudan noong Huwebes ang ikatlong talo ng Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter