Kakayahang pamunuan ni Lieutenant General Rodolfo Azurin ang pulisya, kinilala ng PNP

Kakayahang pamunuan ni Lieutenant General Rodolfo Azurin ang pulisya, kinilala ng PNP

MAGPAPATULOY ang Philippine National Police (PNP) sa pagganap ng kanilang tungkulin para sa kaligtasan at proteksyon ng mga mamamayan.

Ito ang binigyang-diin ni PNP Public Information Office chief Police Brigadier General Roderick Alba sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant General Rodolfo Azurin Jr. bilang ika-28 hepe ng pulisya.

Pinuri ni Alba ang pagiging mahusay na opisyal ni Azurin na batid ang mga hamon at lumikha ng plano para sa maayos na pagseserbisyo.

Nakatuon aniya si Azurin sa 3 aspeto kabilang ang policy flexibility; improved operational accomplishments; at responsive infrastructure management.

Si Azurin na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Makatao” Class of 1989 ay kasalukuyang commander ng Area Police Command-Northern Luzon na binubuo ng Ilocos-Pangasinan Region, Cagayan Valley Region, Central Luzon at Cordillera Region.

Naniniwala rin si Alba na ang malawak na karanasan ni Azurin mula sa mga gawaing pang-operasyon at administratibo ay patunay na nasa mabuting kamay ang PNP.

Follow SMNI NEWS in Twitter