Kaligtasan ng mga Pilipino siniguro ng Israel sa gitna ng airstrikes ng Iran

Kaligtasan ng mga Pilipino siniguro ng Israel sa gitna ng airstrikes ng Iran

TINIYAK ngayon ng gobyerno ng Israel na prayoridad nila ang kaligtasan ng mga Pilipino na nakatira sa kanilang bansa.

Ito ang inihayag ni Ambassador Ilan Fluss sa isang online press conference kaugnay sa patuloy na airstrikes sa pagitan ng Israel at Iran.

Kasunod nito, upang hindi malagay sa alanganin ang buhay, hinikayat ng bansang Israel ang mga Pilipino na nakatira sa kanilang bansa na sumunod sa mga tagubilin mula sa Home Front Command.

Matatandaan na nitong Hunyo 13, 2025 ay nagpalitan ng putok ang Israel at Iran.

Ito’y matapos ang ginawang pag-atake ng Israel sa Iran at tinamaan ang kanilang nuclear facilities, kumitil sa buhay ng kanilang top commanders at ikinasawi ng maraming sibilyan.

Bilang ganti ay nagpaulan naman ng drone missiles ang Iran na tumama sa Herusalem at Tel Aviv na ikinamatay ng tatlong katao at ikinasugat ng maraming indibidwal.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble