Kalusugan at trabaho para sa surrogate parents sa bansa, prayoridad ng Pamilya Ko Partylist

Kalusugan at trabaho para sa surrogate parents sa bansa, prayoridad ng Pamilya Ko Partylist

PARA sa mga napag-iiwanan sa benepisyo at atensiyon ng pamahalaan, prayoridad ngayon ng Pamilya Ko Partylist ang bigyan ng pansin ang kalusugan at trabaho partikular sa mga surrogate parents, mga pamilya ng OFWs, LGBTQI at single parents.

Sa proclamation night ng grupo, aminado sila na marami pang Pamilyang Pilipino ang salat at nangangailangan ng kalinga ng pamahalaan para sa pantay na pagkilala sa kakayahan, at kontribusyon nila sa lipunan.

Ayon kay Atty Anel Diaz, First Nominee ng Pamilya Ko Partylist, nais nilang tugunan ang mas maayos na serbisyo para sa mga nabanggit na benepisyaryo.

“Kami ang grupong may isang salita, walang pambobola at tunay na pamilya na maaasahan ng mga taong naiiwanan sa pag unlad, mga taong kulang sa suportang medikal at trabaho,” ayon kay Atty. Anel Diaz.

Para naman sa 2nd nominee Miguel Kallos, magiging katuwang ang kanilang grupo sa pag-alalay sa mga nangangailangan sa aspeto ng kabuhayan, kalusugan at oportunidad.

Bukod anila dito, marami pa silang nais na ilatag sa Kongreso na mga panukalang batas na makakabenepisyo ang mamamayang Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter