Kalusugan para sa mga kababaihan isusulong ng Babae Ako Partylist

Kalusugan para sa mga kababaihan isusulong ng Babae Ako Partylist

PRAYORIDAD ng Babae Ako Partylist ngayong midterm elections ang seguridad ng mga kababaihan, lalo na sa usaping pangkalusugan.

Ayon kay Babae Ako Partylist first nominee Dr. Ria Liza Canlas, maraming kababaihan sa bansa ang hindi nauunawaan ang mga problemang may kaugnay sa obaryo o ovarian health.

Sa ilalim ng Brgy. Health Center Digitalization, pag-aaralan ng grupo na binubuo ng inventors at engineers ang paggawa ng mga gamot para sa iba’t ibang problemang pangkalusugan ng mga kababaihan.

Bukod sa kalusugan, prayoridad rin ng grupo ang paglalaan ng atensyon sa mga babaeng biktima ng karahasan, pati na ang pagbibigay ng de-kalidad na pasilidad para sa mabilis na rehabilitasyon at muling pagbabalik sa lipunan na may tapang at katatagan.

Ilan din sa mga programa ng grupo ang pagbibigay ng ginhawa sa mga PWDs, de-kalidad na edukasyon sa mga kabataan, at pagpapabuti ng imprastruktura.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble