NAGPADALA ng sulat kay Vice President Sara Duterte ang House Committee on Good Government and Public Accountability nitong Miyerkules, Nobyembre 13, 2024.
Sa nilalaman ng sulat, inimbitahan nito ang pangalawang pangulo para sa isang hearing kung saan talakayin ang regularidad ng budget utilization ng Office of the Vice President (OVP).
Pagpapaliwanagin din anila si VP Sara hinggil sa ibang mga proyekto at programa ng OVP maging ang confidential funds ng tanggapan.
Ang magiging hearing para dito ay nakatakda alas diyes ng umaga sa Nobyembre 20.