Kamara, iwas-gulo matapos ang panawagang resignation kay PBBM

Kamara, iwas-gulo matapos ang panawagang resignation kay PBBM

MAY komento na ang Kamara hinggil sa panawagang resignation ng isang city Mayor kay Pangulong Bongbong Marcos.

Ayaw nang palakihin pa ng mga kongresista ang mga panawagang mag-bitiw sa pwesto si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Nauna nang pinagbibitiw sa pwesto ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte ang punong ehekutibo kung wala itong tunay na pagmamahal sa bayan.

Ayon kay Rizal Rep. Jack Duavit na siyang pinuno ng National Unity Party (NUP) sa Kamara, ‘respetuhin’ na lamang ang statement ng batang Duterte para hindi na lumala pa ang hidwaan.

“I think si Mayor Baste already gave a statement, nakita ko sa frontpage kanina. Respetuhin na lang ‘yung statement na para hindi pa tayo maglagay ng gasolina sa (kasalukuyang sitwasyon). May statement na po siya eh. Ako, I’ll just leave it at that,” ayon kay Rep. Jack Duavit, Rizal 1st District.

Saad naman ni Bataan Rep. Albert Garcia ng NUP, hindi na nila palalakihin ang isyu para hindi na itong maging sagabal sa paglago ng bansa.

“Instructions nga ni Speaker ‘wag na palakihin ang gulo para makapagtrabaho na tayo for the progress of the country. Kaya let’s leave it at that,” ayon naman kay Rep. Albert Garcia, Bataan 2nd District.

Nauna nang humingi ng paumanhin kay Senator Imee Marcos si Mayor Duterte sa naging panawagan nitong resignation kay PBBM.

Sumabog sa galit ang Davao City Mayor dahil sa isyu ng posibleng pagpapa-aresto ng International Criminal Court (ICC) sa kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na mangyayari lamang kung may kooperasyon ang kasalukuyang administrasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble