Kamara, iwas gulo matapos ang panawagang resignation kay Marcos Jr.

Kamara, iwas gulo matapos ang panawagang resignation kay Marcos Jr.

AYAW nang palakihin pa ng mga kongresista ang mga panawagang mag-bitiw sa pwesto si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos, Jr.

Nauna nang pinagbibitiw sa pwesto ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte ang Punong Ehekutibo kung wala itong tunay na pagmamahal sa bayan.

Ayon kay Rizal Rep. Jack Duavit na siyang pinuno ng National Unity Party (NUP) sa Kamara, ‘respetuhin’ na lamang ang statement ng batang Duterte para hindi na lumala pa ang hidwaan.

Saad naman ni Bataan Rep. Albert Garcia ng NUP, hindi na nila palalakihin ang isyu para hindi na itong maging sagabal sa paglago ng bansa.

‘’Instructions nga ni Speaker ‘wag na palakihin ang gulo para makapagtrabaho na tayo for the progress of the country. Kaya let’s leave it at that,’’ ani Garcia.

Nauna nang humingi ng paumanhin kay Senator Imee Marcos si Mayor Duterte sa naging panawagan nitong resignation kay PBBM.

Sumabog sa galit ang Davao Mayor dahil sa isyu ng posibleng pagpapa-aresto ng International Criminal Court (ICC) sa kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na mangyayari lamang kung may kooperasyon ang kasalukuyang administrasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble