Kamara, nagpadala ng tulong sa mga binagyo sa Antique

Kamara, nagpadala ng tulong sa mga binagyo sa Antique

NAGPAPATULOY pa rin ngayong araw ang relief efforts ng Kamara para makatulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Paeng.

Pinuno ng Kamara ang isang trak laman ng 100 sako ng relief goods, 100 bundles ng bottled water at 50 kahon ng corned beef para sa mga binagyo sa Antique.

Si AnaKalusugan Rep. Rey Florence Reyes ang naatasang mamahagi ng relief items sa mga nangangailangang residente.

Sa ngayon, nasa ika-5 araw na ang mga empleyado ng Kamara at staff ng Office of the Speaker sa pagpapadala ng ayuda sa mga kababayan nating pinaka nangangailangan.

Follow SMNI NEWS in Twitter