Kamara, nais isuspinde ang karagdagang pataw sa excise tax bilang solusyon sa tumataas na presyo ng langis

Kamara, nais isuspinde ang karagdagang pataw sa excise tax bilang solusyon sa tumataas na presyo ng langis

NAGHAIN na ng panukala ang Kamara na ang layunin ay magkaroon ng suspensyon sa karagdagang pataw sa excise tax.

Ito ang inihayag ni Quezon City 4th District Representative Bong Suntay sa panayam ng SMNI News.

Ani Suntay kailangan ng umaksyon ng bansa hinggil sa tumataas na presyo ng langis habang maaga pa.

Giit nito ang pagbibigay ng fuel subsidy sa ngayon ay hindi na sasapat.

Aniya habang hindi nareresolba ang gyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, tuloy-tuloy na tataas ang presyo ng langis.

 

Unang tranche ng fuel subsidy, target na maipamahagi ngayong buwan – NEDA

Target na maipamahagi ngayong buwan ng Marso ang P2.5-B na fuel subsidy para sa mga apektadong public utility vehicles (PUV) ng oil price hike.

Ito ang sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Karl Kendrick Chua.

Kasunod ito sa naging hidwaan sa pagitan ng Ukraine at Russia kaya’t naapektuhan ang presyo ng petrolyo sa bansa.

Maliban dito, asahan naman sa Abril ng taon ay ipamamahagi rin ang pangalawang subsidiya.

Kasabay nito, nais ng NEDA na doblehin ang fuel subsidy para sa mga PUV.

Saad pa ni Chua, nakikipagtulungan na ngayon ang ahensya sa mga pribadong kumpanya ng langis.

Aniya, kailangang dagdagan ang oil buffer stock ng bansa mula sa kasalukuyang 30 hanggang 45 araw, pero mangangailangan pa ito ng batas kaya’t makikipagtulungan ito sa Kongreso.

Itinutulak din ni Chua ang karagdagang fuel voucher para sa mga agricultural producer sa pamamagitan ng pagtaas ng budget mula P500 milyon hanggang P1.1 bilyon para ipamahagi sa Marso at Abril 2022.

Follow SMNI News on Twitter