PATULOY ngayon sa pagkalap ng pondo ang Kamara para sa mga biktima ng Super Typhoon Egay.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, partikular sa tinututukan nila ngayon sa fund drive ang mga distrito na lubhang apektado ng bagyo.
Bukas, ay nakatakdang pumunta si Speaker Romualdez sa mga lugar na sinalanta ng bagyo para sumama sa relief operations.
Siya ay kasalukuyang nasa Malaysia kasama ang Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Sa pagtutulungan ng tanggapan nina Speaker Romualdez at Tingog Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre ay nakapangalap na ang P128.5-M halaga ng tulong para sa mga nasalanta.
Saad naman umano ni Pangulong Marcos kay Romualdez na gagawin ng pamahalaan ang lahat ng paraan para makapag-abot ng tulong sa mga biktima ng bagyo.
“President Marcos is doing everything he can to assist, help and provide assistance to Super Typhoon Egay victims. We want to make sure that at this time of extreme need, the people should feel that their government is with them,” ani Speaker Romualdez.