Kamara, tuluy-tuloy ang relief efforts para sa mga biktima ng Bagyong Paeng

Kamara, tuluy-tuloy ang relief efforts para sa mga biktima ng Bagyong Paeng

TULUY-tuloy ang relief efforts ng Kongreso para sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng sa tulong ng mga staff ng Office of the Speaker at sa mga Secretariat employees ng House of Representatives.

Linggo ng gabi nang mag-umpisa silang maghakot at magpadala ng mga relief packs.

Mga bigas, tubig, canned goods at vitamins ang inihanda ng Kamara para sa mga biktima ng kalamidad.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, bayanihan silang mga empleyado at staff sa Kamara para makapag-abot ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan.

“Asahan po ninyo na ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya upang makapagpadala ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo,” saad ni Romualdez.

Nauna nang nakalikom ang Kamara ng P35 million in pledges mula sa mga kongresista at pribadong sektor para sa mga biktima ng Bagyong Paeng.

Follow SMNI NEWS in Twitter