Kampanya kontra jueteng at iba pang sugal, paiigtingin ng PNP

Kampanya kontra jueteng at iba pang sugal, paiigtingin ng PNP

MAHIGPIT na ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang “one-strike policy” sa mga police commander na mabibigong masawata ang jueteng at iba pang uri ng sugal sa kanilang lugar.

Ito ang inihayag ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. sa pulong kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles.

Ayon kay Acorda, mas malawak ang gagawin nilang anti-illegal gambling operations sa bansa.

Agad na pinasalamatan ni Robles ang suporta ng pulisya sa PCSO lalo’t nakakaapekto ang ilegal na sugal sa kanilang kita na maaaring ipangtulong sa iba pang kapos-palad na kababayan.

Kasabay nito, nanawagan si Robles sa publiko na tangkilikin ang mga laro ng PCSO kabilang ang lotto, scratch-it at small town lottery.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter