KAMAKAILAN, inihayag ni Justice Secretary Boying Remulla na posibleng inabandona na ng gobyerno ang paghawak sa mga kaso ng war on drugs, bunsod ng umano’y kawalan ng ebidensya at sinadyang pagkasira ng mga dokumento.
Ani Remulla, maaaring sinadyang burahin ang mga ito upang hindi umusad ang kaso.
Ngunit giit ni Atty. Kaufman, walang kinalaman si Duterte sa anumang sinasabing pagwasak ng ebidensiya.
“That is Justice Secretary Remulla’s claims.”
“What I do know, my client Mr. Duterte has nothing to do with destroying any evidence. Destroying is a criminal offense. It was not done. It was not done at his request or on behalf of him. Let me make that very clear,” pahayag ni Atty. Nicholas Kaufman, Legal Counsel ni FPRRD.
Paliwanag pa ni Kaufman, hindi totoo ang alegasyon ni Remulla, at walang katotohanan ang sinasabing pagkasira ng ebidensya na, aniya, isang krimen.
“That is Justice Secretary Remulla’s claim that evidence was destroyed. I didn’t believe it. He might believe it, but I am telling you, it’s not true and it was not done,” dagdag ni Kaufman.
Tumanggi naman si Kaufman na isapubliko ang anumang detalye tungkol sa mga ebidensiyang hawak ng prosekusyon ng ICC.
Nilinaw rin niya na walang sinuman mula sa kampo ni Duterte ang may kinalaman sa sinasabing pagwasak ng ebidensiya. Aniya, ang ganitong aksiyon ay isang kriminal na paglabag, at hindi ito ginawa o iniutos ng kaniyang kliyente, na ngayo’y humaharap sa mga paratang na wala umanong sapat na basehan.