INAMIN ni Vice President Sara Duterte na kinukuwestiyon din niya maging ang kaniyang mga abogado kung maaari bang maitawid sa 20th Congress ang impeachment case laban sa kaniya.
Sinabi ng Pangalawang Pangulo na hindi niya maisiwalat ang mga napag-aralan nila hinggil dito.
Sa isang pahayag naman ni Sen. Francis Tolentino, hinimok niya na ang Senado na ibasura na lang ang impeachment case laban kay VP Sara.
Kung hindi naman aniya matatapos ang paglilitis bago ang Hunyo 30, 2025 ay awtomatiko na itong mababasura sa ilalim ng Konstitusyon.
Wala na ani Tolentino maaaring gawin ang 20th Congress ukol dito dahil sa kakulangan ng constitutional authority.