Kaniya-kaniyang diskarte: Mga OFW, nag-aalala sa kawalan ng pensiyon sa pagtanda

Kaniya-kaniyang diskarte: Mga OFW, nag-aalala sa kawalan ng pensiyon sa pagtanda

SA kabila ng mahalagang papel ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa ekonomiya, marami sa kanila ang umaasang sariling diskarte ang magiging sandigan sa kanilang pagreretiro. May nag-iipon, bumibili ng lupa, nagpapagawa ng bahay, o nagnenegosyo habang nasa abroad. Ang ilan ay boluntaryong naghulog sa Social Security System (SSS) o kaya’y naglagak ng puhunan sa insurance.

Ngunit hindi lahat ay may kaalaman o kakayahang magplano. Marami ang nangangamba na sa kanilang pagbabalik ay wala silang makukuhang suporta, sa kabila ng mga taong sakripisyo sa ibang bansa.

“Siyempre, nandoon ‘yung worries mo… kaya ako, naghulog ako sa SSS para just in case mag-retire ako sa 60s, at least may matatanggap akong pension,” ayon kay Anna, OFW.

“Mostly, naka-focus pa lang ako sa education ng mga anak ko. ‘Yan muna ang goal ko—matapos muna nila,” wika ni Jennifer, OFW sa Brunei.

“Para sa akin bilang OFW, nag-aalala din po ako. Sobrang tagal na naming nagtatrabaho sa ibang bansa, tapos wala pa rin kaming pensyon pagbalik dito sa Pinas,”saad ni Germilyn, OFW sa Taiwan.

“Nag-aalala po talaga, pero kailangan mo talagang mag-ipon. Hindi ka naman forever sa abroad,” wika ni Bernadeth, OFW sa Taiwan.

Kaugnay rito, isa sa mga pangunahing plataporma ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy ang OFW Retirement Security Act—panukalang batas para sa mandatory pension system ng mga OFW kung saan mag-aambag ang gobyerno at employer.

“Lilikha ako ng OFW Retirement Security Act na magtatatag ng isang mandatory pension na may kontribusyon ang gobyerno at employer,” saad ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Senadorial Candidate.

“Maganda po ang plataporma niya. Sana po, kung mangyayari ‘yan, matutupad talaga,” dagdag ni Bernadeth.

Isusulong din niya ang Retirement Saving Program (RSP) na magbibigay ng tax incentives sa mga OFW para sa kanilang ipon.

“Magkakaroon ng tax incentives ang mga OFWs, katulad ng tax deduction para sa contributions at tax benefits sa pagwi-withdraw,” ayon pa kay Pastor Quiboloy.

“Mapipilitan tayong mag-save para sa sarili… Kaya napakagandang programa, ‘di ba?” ayon kay Nora Pame, OFW sa Italy.

Bukod rito, prayoridad rin ni Pastor Quiboloy ang pagsasabatas ng mandatory deployment ng legal at medical attachés sa bawat embahada.

“Upang may kaagapay ang ating mga OFWs sa panahon ng kagipitan,” ani Pastor Quiboloy.

“Kung may doktor o legal officer sa embassy, hindi na mahihirapan ang mga OFW, lalo na sa Middle East,” ayon kay Loida Singh, Dating OFW Leader sa Qatar.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble