KAPAKANAN ng mga motorista, kalusugan, at edukasyon, mga pangunahing sosolusyunan ni Cong. Bosita sakaling palarin sa Senado.
“Ang unang priority na bibigyan ko ng atensyon kung papalarin tayo na maging senador ay ang proteksyon para sa mga kababayan nating motorista, Luzon, Visayas, at Mindanao.
Pangalawa, mabibigyan natin ng atensyon kung maluklok tayo sa Senado, itong health, itong kalusugan.
At ang ikatlo ay bibigyan natin ng atensyon itong edukasyon sapagkat kapansin-pansin marami sa ating mga kababayan lalo na ang mga galing sa mahihirap at mga ordinaryong pamilya na hindi nakakapag-aral at alam naman natin napakahalaga ng edukasyon para sa kinabukasan ng kabataan at ng ating mga kababayan,” pahayag ni Cong. Bonifacio Bosita, Senatorial Aspirant.
Follow SMNI News on Rumble