Kapayapaan at pagkakaisa, “wish” ni Jose Mari Chan ngayong Pasko

Kapayapaan at pagkakaisa, “wish” ni Jose Mari Chan ngayong Pasko

PAGKAKAROON ng kapayapaan at pagkakaisa sa mundo ang ninanais ni “King of Philippine Christmas Carols” Jose Mari Chan ngayong Pasko.

Ito ang kaniyang mensahe sa gitna ng kaniyang performance sa isang mall kamakailan.

Ayon sa singer, nais niyang maiparating sa kaniyang mga kantang “A Perfect Christmas”, “A Wish on Christmas Night”, at “Christmas in Our Hearts” ang totoong mensahe ng Pasko kung saan dapat maghilom na ang lahat ng sugat at pahalagahan ang kahit gaano man kaliit na mga bagay.

Para sa mga overseas Filipino workers (OFW), mainam na maipadama sa kanila ang pagmamahal kahit malayo man sila sa piling.

Para naman sa nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militant group ng Palestine, maging ang digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia, ipadama rin ang pag-aalala sa lahat ng nangangailangan ng tulong.

Follow SMNI NEWS on Twitter