MAGDE-deploy ang Pambansang Pulisya ng karagdagang animnaraang pulis sa Metro Manila.
Ito ay kaugnay sa sunud-sunod na insidente ng pamamaril sa National Capital Region noong nakaraang buwan ng Mayo.
Ang naturang mga pulis ay nakatalaga sa administrative offices sa National Headquarters ng PNP sa Camp Crame.
Magiging karagdagang pwersa ang mga ito sa halos dalawampu’t limang libong opisyal at tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Matatandaan na noong nakaraang buwan ay nakapagtala ng tatlong insidente ng pamamaril ang pulisya sa NCR.
Kabilang dito ang nangyari noong Mayo a-bente kwatro kung saan binaril-patay ng isang motorcycle rider si Land Transportatiion Office Registration Division Chief Mercedita Gutierrez sa barangay pinyahan sa Quezon City.
Noong Mayo a-bente otso naman ay nasawi ang isang family driver dahil sa road rage incident sa Edsa-Ayala tunnel sa Makati.
Habang noong Mayo a-trenta naman ay sugatan ang isang empleyado ng isang restobar sa barangay Sacred Heart sa Quezon City matapos na barilin ng isang riding in tandem.