Karagdagang barko para sa rutang Dumaguete-Siquijor ibiniyahe na—PPA

Karagdagang barko para sa rutang Dumaguete-Siquijor ibiniyahe na—PPA

PORMAL nang sinimulan kamakailan ang biyahe ng barkong “MV City of Iloilo” na may ruta mula Dumaguete patungong Siquijor at vice-versa.

Ang bagong fast craft ay may kakayahang mag-accommodate ng mahigit 100 pasahero.

Ang barko ay nasa pamamahala ng Montenegro Shipping Lines.

Inaasahan na ang karagdagang barko na ito’y mas magbibigay oportunidad sa mga lalawigan ng Negros Oriental at Siquijor.

Ang schedule ng biyahe ng barko na may tatlong biyahe sa isang araw na may isang oras na paglalakbay ay nagsisimula 5pm sa port ng Dumaguete habang 9am naman sa port ng Siquijor.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter