NAPAG-usapan ng Estados Unidos at Pilipinas ang pagtatayo ng karagdagang EDCA sites sa bansa.
Ito ang inihayag ni US Indo-Pacific commander Admiral John Aquilino matapos ang Mutual Defense Board-Security Engagement Board Meeting sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Ayon kay Aquilino, naiparating na nila ni AFP chief of staff General Romeo Brawner, Jr. ang nasabing rekomendasyon sa matataas na opisyal ng Defense Department.
Sa kasalukuyan, mayroong 5 EDCA sites at 4 na karagdagang EDCA sites na napagkasunduan ang Pilipinas at Amerika.
Binisita nina Brawner at US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson ang Lal-lo Air Base at Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan; at Basa Air Base sa Pampanga kahapon.
Pinuri ni Aquilino ang magandang trabaho ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa koordinasyon ng US Military upang magawa ang pasilidad.