Karagdagang mahigit sa 5-M dosis ng bakuna, dumating sa bansa simula kagabi

Karagdagang mahigit sa 5-M dosis ng bakuna, dumating sa bansa simula kagabi

NASA kabuuang  2,020,590 karagdagang dosis ng bakuna ng Pfizer mula sa COVAX Facility ang dumating na bago mag-alas dose ng madaling araw kanina.

Ang mga naturang bakuna ay sakay ng Emirates Airlines flight EK 2520 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal -3.

Ang mga naturang bakuna ay sinalubong ni NTF Chief Implementer and Vaccine czar Carlito G. Galvez kasama ni Dr. Rabindra Abeyasinghe ng World Health Organization (WHO), Representative to the Philippines.

Ayon kay Dr. Abeyasinghe ang pagdating ng bakuna Pfizer ay simula pa lamang sa higit sampung milyong dosis ng naturang bakuna na darating sa mga susunod  pang mga araw.

Sinabi naman ni Galvez,  prayoridad na ibabahagi ang mga bakunang dumating sa mga rehiyon na may matataas na kaso ng COVID-19 at maging sa mga matatanda.

Samantala, kagabi din ay 3 milyong dosis naman  ng karagdagang  bakuna ng  Sinovac  ang dumating sa bansa.

Na lulan ng Philippine Airlines flight PR 359 na lumapag sa Ninoy Aquino International Aiport Terminal -2

Ang mga bakuna ay sinalubong pa rin ni Sec. Carlito G. Galvez.

Sinabi ni Galvez ibabahagi ang mga naturang bakuna sa Region 3, 4-A, 7, 11 at ng NCR.

Nasa kabuang 36 million ng  CoronaVac doses o ng Sinovac vaccines ang tinanggap na ng Pilipinas simula Pebrero ng taong ito.

Sa bilang na ito 34,100,000 doses dito ay binili ng Pilipinas habang 2 milyong dosis dito ay donasyon ng China sa bansa.

Nasa higit 64 M dosis na ng bakuna kontra COVID-19 ang tinanggap na ng Pilipinas.

SMNI NEWS