Karagdagang OFWs, mga kabataan mula Lebanon, dumating na sa Pilipinas

Karagdagang OFWs, mga kabataan mula Lebanon, dumating na sa Pilipinas

DUMATING na sa Pilipinas ang karagdagang siyam na overseas Filipino workers (OFWs) at limang kabataan mula Lebanon umaga nitong Huwebes, Disyembre 28.

Lumapag ang sinakyan nitong eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Binigyan na rin ang mga dumating ng on-site assistance at reintegration services.

Sa ngayon ay nasa 111 OFWs na ang dumating sa Pilipinas mula Lebanon.

Ang repatriation o ang mga pagpapauwi ay kaugnay sa digmaan na nangyayari sa pagitan ng Israel at Hamas militant group ng Palestine.

Ang Hezbollah ng Lebanon ay nakikisimpatiya sa Hamas kung kaya’t mayroon ding tensiyon sa pagitan nila at ng Israel.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble