Karagdagang proteksiyon para sa OFWs, sisilipin ng isang mambabatas

Karagdagang proteksiyon para sa OFWs, sisilipin ng isang mambabatas

SISILIPIN ni Rep. Ron Salo ng House Committee on Overseas Workers Affairs kung anong karagdagang proteksiyon ang maibibigay sa mga overseas Filipino worker (OFW).

Kasunod ito sa insidente na nangyari sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan pinaghihinalaan ng tauhan ng Bureau of Customs ang isang OFW na may dala itong kontrabando at nilagay sa isang laruang eroplano.

Sa salaysay ng OFW, 2 beses na idinaan sa X-ray machine ang kaniyang bagahe at ipinaamoy pa sa K-9 unit o aso.

Akala aniya ng taga-Customs na may droga sa laruang eroplano kung kaya’t sinabi na lang ng OFW na wasakin ito para matapos na ang hinala at hindi siya maiwan sa kaniyang flight.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter