IPINANUKALA ni Anakalusugan Party-list Rep. Ray Reyes ang pagpapatupad ng karagdagang tax sa junk foods at sweetened beverages sa susunod na taon.
Kung maisasabatas ang House Bill No. 7485, aabot sa P68.5-B ang halaga na makukuha mula sa ipinapataw na karagdagang tax sa junk foods at sweetened beverages gaya ng fruit drinks, sports drinks, at energy drinks.
Aniya, gagamitin ang tax upang madagdagan ang pondo para sa Universal Health Care (UHC) program.
Partikular na gagamitin ito sa pagpapaganda o pagpapaunlad ng health facilities gaya ng barangay health care centers at rural health units.
Sinabi ng mambabatas na bagama’t tumataas ang budget para sa kalusugan ay nananatili namang hindi nagbabago ang pondo para sa UHC.