GIIT ni Franco Tito, congressional aspirant na karamihan sa mga congressman sa Kongreso, nalimutan nila na kaya nandoon sila ay para serbisyuhan ang mga tao.
“Karamihan sa mga congressman natin sa Kongreso, hindi naman lahat, nalimutan nila kaya nandoon sila para serbisyuhan ang mga tao. Nalimutan nila na ang bansang Pilipinas ay demokrasya.
Ang tunay na hari dito, ang taong-bayan, hindi sila. Dapat sila ang maghanap ng paraan kung paano maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga tao, lalo na ngayong maraming naghihirap na Pilipino.
Ang problema, parang sila na ang may-ari ng pera ng bayan, medyo makapal-kapal na rin ang mukha. Nalilimutan na nila na ang may ari ng pera ay ang tao, hindi sila,” pahayag ni Franco Tito, Congressional Aspirant.