Kaso ng COVID-19, maaring umabot sa higit 600 kada araw sa May 15—DOH

Kaso ng COVID-19, maaring umabot sa higit 600 kada araw sa May 15—DOH

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) sa isang media briefing na maaaring umabot ng mahigit 600 ang kaso ng COVID-19 sa kada araw sa buong bansa pagsapit ng May 15.

Pagdating naman sa National Capital Region (NCR), maaring umabot sa atleast 30 hanggang 122 ang COVID-19 cases sa bawat araw.

Pero paglilinaw ni DOH OIC Usec. Maria Rosario Vergeire na projections lamang ito at hindi nangangahulugang ito nga ang magiging kaso sa susunod na buwan.

Aniya maari lamang mangyari ang projections kung hindi mapapanatili ang pagpatutupad ng minimum health standard sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter