NAKAPAGTALA ang bansa ng 4,281 na bagong kaso ng COVID-19.
Ito ay batay sa latest case bulletin ng Department of Health (DOH) mula Hunyo 12 – 18.
Ayon sa ahensiya, mas mababa ng 35 porsiyento kaysa sa mga kasong naitala mula Hunyo 5 – 11.
Ang average na bilang ng kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 612.
Sa mga bagong kaso, 57 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.
Samantala, mayroon namang naitalang isa na pumanaw kung saan walang naganap noong Hunyo 5 – 18.