Kaso ng COVID-19 sa Japan, nadagdagan pa ng higit 47,000

Kaso ng COVID-19 sa Japan, nadagdagan pa ng higit 47,000

NADAGDAGAN pa ng higit sa 40 libong bagong kaso ng COVID-19 ang bansang Japan.

Umabot na sa higit 226,000 ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Japan matapos madagdagan ito ng higit 47,000 na bagong kaso.

Base sa datos na inilabas ng Health Ministry ng bansa, nadagdagan pa ng 226 ang bilang ng mga nasawi sa virus.

Nadagdagan din ang bilang ng mga pasyenteng nagpapagaling sa mga ospital sa ngayon.

Nakapagtala naman ang Tokyo ng aabot sa higit 24,000 na bagong kaso ng cOVID-19 habang nasa 29 naman ang bilang ng mga nasawi sa lugar.

Samantala, ikinabahala naman ng pamahalaan ng Japan ang palagiang pagsasailalim sa testing ng mga doktor sa mga taong nahahawaan ng virus na dagdag-pasanin sa pang araw-araw na trabaho.

Follow SMNI NEWS in Twitter