Kaso ng ICC laban kay FPRRD, isang malaking hamon sa Konstitusyon ng Pilipinas—Abogado

Kaso ng ICC laban kay FPRRD, isang malaking hamon sa Konstitusyon ng Pilipinas—Abogado

NANINIWALA ang isang abogado na isang malaking hamon para sa Konstitusyon ng Pilipinas ang pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC).

“‘Yun nga ang prelimenary report ng Senate Foreign Relations Committee, ang daming mali. So ngayon kailangan pa ang further inquiry kasi alam mo kung wala ang dalawang inquiry, first sa second, wala tayong malalaman na mga details na lumalabas,” ayon kay Atty. James Reserva, Law Expert.

Ito ang naging komento ni Atty. James Reserva, isang law expert, kaugnay sa patuloy na imbestigasyon ng Senado kaugnay sa ilegal na pagdakip kay dating Pangulong Duterte ng ICC.

Iginiit ng abogado ang kahalagahan ng transparency sa Senado upang maresolba ang nasabing problema.

“That’s the essence of the right of the people to information on matters of public concern. Ito ang pinaka-fundamental na principle ‘yan sa hearing na ito, the right of the people on matters of public concern to know,” ani Reserva.

Dagdag pa ni Atty. Reserva na sa konsepto ng extraordinary rendition, ang isang tao ay palihim na iniaalis ng isang bansa upang harapin ang kaso sa ibang lugar.

Subalit sa kaso umano ni dating Pangulong Duterte, tila ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang isang Filipino citizen ay sumailalim sa ganitong uri ng pag-aresto.

“Wala pang extraordinary rendition sa atin. I remember ‘yung isang congressman na ipalabas by way of extra-judicial treaty in the U.S., si former congressman Mark Jimenez, dumaan talaga ‘yan sa proseso. Mayroong extraordinary rendition dito. Pwede. Hindi citizen natin, isang malaking official ng French government na found to be hiding here in our country, he was extracted secretly para to face trial in France. Wala ‘yan, tinago ‘yan sa media. But ang Filipino citizen na extraordinary rendered, first time pa ‘yan nangyari kay former President Rodrigo Duterte,” aniya.

Paliwanag pa ni Atty. Reserva na sa ilalim ng konstitusyon ng batas, kapag may banggaan sa pagitan ng batas ng bansa at ng International Law, ang unang hakbang na gagawin ng korte ay i-harmonize ang nasabing problema.

Inamin naman nito na gigil siyang malaman kung paano ito idedesisyonan ng Korte Suprema.

Sa huli, inihayag ni Atty. Reserva na parang sinisira mismo ng Pilipinas ang sariling konstitusyon dahil sa nangyari sa dating Pangulo at isang malaking insulto para sa bansa dahil gumagana naman aniya nang maayos ang hudikatura.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble