Kaso ng influenza-like illnesses sa bansa umabot na sa 55K—DOH

Kaso ng influenza-like illnesses sa bansa umabot na sa 55K—DOH

UMABOT na sa mahigit 55K ang kaso ng influenza-like illnesses sa bansa hanggang nitong Mayo 10, 2025.

Ayon sa Department of Health (DOH), mas mababa pa rin naman ito ng 7% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Kaugnay nito ay ipinaalala ng ahensiya na mag-ingat at agarang magpagamot kung nararanasan ang ilang sintomas gaya ng biglaang pagkakaroon ng lagnat, ubo, at pananakit ng lalamunan.

Paalala ng ahensiya, hindi dapat maging kampante laban sa anumang sakit lalo na’t nagsisimula na ang tag-ulan sa ilang lugar.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble