NANANATILING kontrolado ang sitwasyon kahit tumataas ang mga kaso ng monkeypox (Mpox) sa Pilipinas.
Sa katunayan, ayon sa Department of Health (DOH), hindi kasali ang bansa sa Public Health Emergency of International Concern ng World Health Organization (WHO).
Ayon kay DOH Secretary Teodoro Herbosa, bagama’t may pagtaas ng local cases, mas mababa ito kumpara sa naitala noong katulad na panahon ng taong 2024.
Sinabi nito na palalakasin ng DOH ang kampanya sa edukasyon, treatment at isolation upang mapigilan ang paglaganap ng sakit.
Hanggang noong Mayo, kinumpirma ng ahensiya na umabot na sa kabuuang 911 ang mga kaso sa Pilipinas mula noong 2024.