NASA 124 lang ang naitalang kaso ng rabies mula Enero hanggang Mayo 17, 2025.
Mababa ito ng 32% kumpara sa 183 na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon ayon sa Department of Health (DOH).
Ang pagbagsak ng mga kaso ayon sa ahensiya ay bunga ng mas pinalakas na vaccination campaigns para sa mga alagang aso at pusa.
Madalas na isinasagawa ito ng mga lokal na pamahalaan alinsunod sa Rabies Control Act.
Libre ang bakunang ito sa mga LGU ngunit mayroon ding mga serbisyong inihahatid ang mga pribadong veterinary clinic.
Binigyang-diin ng DOH ang kahalagahan ng maagang pagpapabakuna sa mga alagang hayop.
Ito’y upang maiwasan ang pagkalat ng rabies na isang nakamamatay na sakit kung hindi agad magagamot.